Ang pagiging malaya sa pananalapi ay isang paraan na masasabi mo na malaya ka sa problema sa pera at mga bagay na kailangan ng pera.
maaari nating masabi na meron ka nito o sobra ka nito. sa ganitong paraan ay mababawasan ang tensyon na nararamdaman mo sa iyong sarili at masasabi mong malaya ka sa mga sitwasyon na dati ay sobrang iniisip mo. masarap maging ganito lalo na kung nasabi mong ngkaroon ka ng oras para sa mahal mo sa buhay nabigyan mo sila ng halaga dahil hindi mo na iniisip ang pinansyal na problema. bagkus ay nakalaan na lamang ang isipan mo sa kung paano mo mapapanatili ang kasiyahan na kasama mo palagi sila na dati ay wala kang oras dahil sa mga sitwasyon na kailangan mo na ganito, ganyan kasi kulang pa at kailangan dagdagan. at dahil sa ganito at napupunta sa pangit na relasyon at hindi mo kilala ang bawat isa. sapagkat sa pag kakataon na kailangan lumayo at pumunta sa kung saan ng dahil lang sa tawag ng pangangailangan na para din lamang sa mga mahal mo sa buhay. mahirap isipin pero karamihan ay yung ang gawain hanggang sa ngayon.
mahirap talaga at sakripisyo kaya sabi ko sa sarili ko gusto ko nang baguhin ang ganitong paraan ng pamumuhay. ang sabi ang gumawa sa atin lahat ay wag mag alala maging kampante lang at maging tiwala sa kanya. ako talagang naniniwala sa kanya pero kung ang gagawin ko may manghintay lang at hindi ako gumalaw at hindi ko gagamitin ang lakas katawan at isip na binigay sa akin. kasi para sa akin ang binigay na ito sa akin ay ang puhunan ko sa mundong ito para palawakin at may magawang magandang paraan para mabuhay na naayon sa kagustuhan ng diyos.kaya habang bata at malakas pa ay naghahanap ako ng mga oppurtunidad na kahit minsan ay hindi ako ng tatagumpay pero patuloy parin ako malakas parin ang kumpyansa ko na maabot ko din ang tinatawag na malaya sa pananalapi o financial freedom.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento